Monday, February 4, 2013

Tondol & Patar Escapade


First time ko lang napuntahan at nakita ang mga lugar ito na akala ko ay sa malayo ko lang matatagpuan. Ang Boracay Beach na kinahihiligan ng marami ay meron din dito sa Pangasinan. Ang Tondol White Sand Beach ng Anda at Patar Beach ng Bolinao.

Tondol and Patar Expedition
Ang tagal ko na dito sa probinsya ng Pangasinan ngunit ngayon ko lang talaga napuntahan ang mga ito. Worth it ang mahabang biyahe. Kahit my rocky roads, maalikabok sa ibang dako, eh, sulit naman pagdating mo sa mala-“paraisong” tanawin. Mai-encourage kang magtampisaw at maligo sa napakalinaw at napaka-kalmang tubig. Napakapino at maputi pa ang buhangin. Hindi mo talaga aayawan!

Sinubukan naming mag-kayak ng mga katropa ko sa Tondol at napakasaya ng experience. Pare-pareho kaming walang alam sa pagpapaandar, pagpapaliko, but eventually, nakuha din namin ang technique dahil sa mga experiments namin. It costs 200 pesos an hour. Akala namin ay sobrang mahal, ngunit hindi matutumbasan ang saya. Sulit na sulit!

Sa parteng dalampasigan ng Tondol ay nakita namin ang mga buhay na starfish. At take note, malalaki at ibang specie ang mga ito, hindi yung usual na maliit at cute. Mayroon itong mga spikes sa ibabaw kaya creepy. May mga kakaibang nilalang din ang nagpapansin sa amin, hindi ako sure kung ito yung tinutukoy nilang mga sea cucumber. May mga spikes din ito at pabilog ang hugis. May mga crabs na nakakain at mga hermit crabs din kaming nakita. Tiny at cute nilang tignan.

Kung Patar ang pag-uusapan, ang ganda din ng pagwelcome nito sa amin. Napaka-blue ng dagat ngunit maalon nga lang nung nagpunta kami. High tide daw nung time na yun kaya ganun.  Wrong timing kami. Napakaganda daw ng view nito every morning and low tide. Subalit, napakarami pa ring beach goers ang naliligo nung time na iyon. Natanaw din namin ang very popular na Bolinao Light House. Maganda nga ito! Nag-sight-seeing na lang ako ng mga katropa ko. Akalain mong nasa harap na namin ang pinagtatalunang “West Philippine Sea”.. Pagkatapos magpicture-picture ay nagshopping na kami ng mga souvenirs ala turista ang tropa.

Tunay ngang napakayaman ng Pilipinas sa mga wonders of nature. Kaya ang daming turista ang gustong bumisita sa bansa at puntahan ang mga malaparaisong tanawin. Madaming napakagandang lugar na nilikha ng Diyos at siyempre nasa sa atin na kung paano ito ipepreserve at pagyamanin. Masarap talagang mag-travel! #It’s really more fun in the Philippines! 

No comments:

Post a Comment