 |
Our group together with the Municipal Tourism Officer (center). |
“Sky Plaza? Anong meron doon?” iyan ang
aking nasabi nang una kong narinig ang lugar na ito. But then, I’m really interested
na makita ito dahil kakaiba ang pangalan ng lugar. Very excited ako at ng
mga grupo ko na makarating kami dito.
It takes 4-5 hours ang biyahe
from Lingayen to Natividad. Maraming bayan ng Pangasinan ang madadaanan (mga 6
na bayan). Nakakapagod ang biyahe ngunit sulit naman pagdating mo sa kanilang Sky
Plaza. May thrill pa paakyat sa kanilang Sky Plaza kasi talagang nasa itaas ito
ng bundok, incline talaga ang daan patungo sa taas. Matatanaw mo na ang mga
luntiang bundok na nakapaligid dito, ang malalawak na mga taniman, at ang mga
neighboring towns. Very refreshing, mahangin at malamig. Maganda nga dito…
 |
Natividad Sky Plaza |
Open to all ang kanilang Sky
Plaza, at siyempre, hindi namin pinalampas ang pinagmamalaki nilang zipline, it
costs P50 para sa mga bisita at P30 para sa mga Natividanians. Though it
measures 120 meters only, you can feel the thrill pa din kasi, bangin din ang
lalagpasan ng zipline nila. Meron din silang grotto sa itaas pa ng bundok. It takes
196 steps to get you at the top. Mas mahangin at mas malamig sa taas. Tanaw na
tanaw mo ang kabuoan ng Sky Plaza. Meron ding silang 2-story information
building, chapel at half basketball court sa kanilang plaza. Ayon sa kanilang
tourism officer, kadalasan ay retreat at mga field trip ng mga school ang
ginaganap dito. Sa ngayon ay pinapaganda pa nila ang kanilang natatanging Sky
Plaza upang mas lalong makilala at umunlad pa ng lubusan ang kanilang bayan.
Marami talagang one of a kind
place dito sa Pangasinan. Isa dito itong nabisita nating Natividad Sky Plaza.
Kung nais mong mag-unwind, bumista na lamang dito sa kanilang bayan. It’s really
more fun in Pangasinan!
No comments:
Post a Comment